Sa gitna ng himig, ang damdaming umalipin,
inaarok, pilit na inaarok;
Kaytagal, isa, dalawa, tatlong minuto, kaybangong alimuom,
inaarok, pilit na inaarok;
wala na nga, mayroon pa ba? Magulo.
Sa saliw ng lumang tugtugin,
inaarok, pilit na inaarok;
pagnanasa,
pagdurusa,
panghihinayang.
Sa hiwaga ng himig ng isang pag-ibig,
wala nang maarok, wala na.

No comments:
Post a Comment